Tumitibok daw ang puso
ngunit para kangino?
Para nga ba sa iyo?
Ako’y nalilito
Dapat nga bang
ako’y maging ganito?
Labis akong nasasaktan
Puso’y nagdaramdam
Mahal mo nga ba ako?
Ako’y nalilito…
Ako’y nagdaramdam
Alin ba ang totoo?
Mahal kitang totoo.
Mahal mo nga ba ako?
Hanggang saan ba ito?
Anong hangganan meron?
Kung iya’y totoo
Ba’t nagmamahal pa rin sa iyo?
Ang Puso Daw!
MAy Gusto ka ba sa akin?!
Aba naman, ano ba yan
Titig ka ng titig dyan
Wala namang masabi
Ikaw ay napipipi
May gusto bang sabihin
Di naman makatingin
Iyan ba ay pag-iwas?
Gusto mo ba ng dahas?
Aba naman, ano ba yan
Parang may kalungkutan
Ayaw na ‘kong pansinin
Puso ko’y nabibitin
Sana’y di nadismaya
Kalimutan ang kaba
At itanong mo na rin -
"May gusto ka ba sa akin?"
Huwag ka nang mahiya
Tanggapin ang biyaya
ng matamis na "Oo,
may gusto ako sa ‘yo!"
I hate You!
You were there, I cherished you
You always made me happy
You are the one I could always talk to
But then you turned away from me
I hate you for making me feel the pain
I hate you for bothering my mind
Because now I feel like I’m insane
And sorrow for all I have left behind
Everyday when you walk by
My face surprisingly paints a smile
But I was really not aware
What love could leave me for despair
I hate you but I’ll wait for a while
‘Til I’m healed from the sorrow you’ve left
And when my hate’s completely gone
I will forgive but will not forget
Bilang Isang kaibigan!
Kinakailangan mo ng tulong sa iba
Upang ‘di ka mawalan ng pag-asa.
Kailangan mo ng isang katuwang
Upang buhay mo’y maging masagana.
Madali lang sa ibang lugar na magkaroon ng kaibigan,
Tulad ng mga pinanggalingan ng mga estudyante.
Ngunit sa kalagayan doon sa eskwelahan
Ay mahirap palang magkaroon ng kaibigan.
Minsan ka lang makakaranas ng tutulong sa’yo.
Minsan ka lamang magkakaroon ng kausap.
Gusto naman ng iba ng isang kalaguyo
Upang magtulungan sa problemang masasalo.
Ngunit ang kakarampot na bilang ng mga kaibigan
Ay hindi sapat upang iyong ipanlaban.
Kailangan mo ng maraming kaibigan
Upang sa laban ay kaya mong makipagsabayan.
Ngunit ang magiging kaibigan mo sa PISAY
Ay lubha naman kung sila’y makikisabayan.
Mahihirapan kang magkaroon ng kapaligsahan
Dito sa mundong delikado ang kalagayan.
Kung gusto mo ng kaibigan ay kailangang siguraduhin:
Siya ay maaasahan sa bawat hagda’t mga baybayin
Upang hindi ka mabibigo kapag dumating na ang araw
Na ikaw ay mawawala sa mundo’t magiging buhangin.
Ang Akong Higala!
Naa koy usa ka higala
Katong bata pa ko,
Sa pagpangopya ko niya gipaila-ila
Ang akong pagpanagtik , gisuportahan niya
Ug ako giganahan sa pag-uban kaniya.
Sa akong pagdako, samtang gaeskwela
Apil-apil kuno sa mga organisasyon,
Kauban gihapon ang akong higala
Imbes na ang mga butang
Para sa pagdagan sa opisina
Akong gipahimuslam para sa bawal na kalipay
Ug dili lang kausa…..
Wala ko kabalo kon kapila!
Sa pagkatigulang
Ako nakasulod sa pagkapulituko
Naa gihapon ang akong higala Gakbay kanako
Siya mihunghong, “kanang kwarta,
Kuhaa maski dili imo…”
Ug ako mingtubag, :Sige
Satanas, para ako,
Tanto na nga kambal nimo.”
Kaibigan lang!
Nakatititg sa librong walang Kabuluhan.
Nakinig sa tugtog na di maintindihan.
Pinipilit ang sarili sa ibang bagay,
Upang di ka maalala at wag malumbay,
Ano ba ‘tong nararamdaman ko?
Hanggang ngayon pala’y nasa loob ko.
Sakit na naman ba ang dulot nito?
Sana sa puso ko’y tuluyan ng maglaho.
Kaibigan mo lang ako!
Alam ko ‘yon at di na magbabago
Lalo na ngayon nakahanap ka na
Siya’y maganda at Kaaya-aya sa iyong mata.
Sana lang di mo makalimutan.
Kaibigan na lagging
Handa kang damayan.
At kung umiyak ka man at masaktan
Tandaan mong sinabi kong
Sana ako na lang.

