Nakatititg sa librong walang Kabuluhan.
Nakinig sa tugtog na di maintindihan.
Pinipilit ang sarili sa ibang bagay,
Upang di ka maalala at wag malumbay,
Ano ba ‘tong nararamdaman ko?
Hanggang ngayon pala’y nasa loob ko.
Sakit na naman ba ang dulot nito?
Sana sa puso ko’y tuluyan ng maglaho.
Kaibigan mo lang ako!
Alam ko ‘yon at di na magbabago
Lalo na ngayon nakahanap ka na
Siya’y maganda at Kaaya-aya sa iyong mata.
Sana lang di mo makalimutan.
Kaibigan na lagging
Handa kang damayan.
At kung umiyak ka man at masaktan
Tandaan mong sinabi kong
Sana ako na lang.

